Thursday, June 2, 2011

Pilipino ako..

hello.

hmmm.. ano ba? san ba ko magsisimula??
nanibago ka ba?
ako din eh..

hayy.... eto.. nagyon lang ako sinipag magsulat ulit. ewan ko ba. ang dami dami kong gusto isulat pero wala eh,, nkakatamad! haha

well siguro naubusan na lang ako ulit ng ingles sa katawan haha! kaya nga eto, nagbabakasakali na pag ginamit ko ang lenggwaheng sumisimbolo sa aking pagkatao (naks naman! ) eh sisipagin ako magsulat ulit.
malay natin di ba?

ang daming nagdaaan na araw at madami na din akong alaalang naimbak ---mga alaalang sa tingin ko ay "worthy" naman na isalaksak sa limitadong capacity ng hard drive ko; mag alaalang ang sarap sariwain sa araw-araw--- mga alaalang ang sarap balik-balikan :)

Nung grade 6 ako, bumili ako ng isang notebook at tinawag ko itong "My personal Journal" oha.. hindi "Diary" kundi journal... ano nga bang pinagkaiba nun? ewan ko din.. haha basta kasi, parang mas sosyal pakinggan ung salitang "journal" At syempre, dahil sosyal ang pangalan, dpat sosyal din ung laman kaya aun... sinikap ko na ang maging medium of instruction (classroom ba ito?? haha) ay ingles.. Infairness, ok naman..at sa tuwing mapagtitripan ko siyang basahin ay wala naman ako masyadong makita na correction sa grammar ko..

Halos araw-araw akong nagsusulat dun.. mapa-masaya, nakakainis, nakakaiyak, nakakakilig o nakakalungkot man ang araw ko. Kaso, dumating ang mga araw na parang tinatamad na ko.. At ayun nga, yun na nga ata ung araw na naubusan ako ng ingles sa katawan. haha Nung sinubukan kong tratuhing Pilipino ung "journal" ko.. ayun, sinipag ulit akong magsulat ng magsulat. malay natin di ba? sipagin ako ulit sa pagkakataong ito :)

Isang araw, may nakakwentuhan ako.. sa totoo lang, matagal ko na siyang kilala pero nung mga oras yun lang ata kami nagkakwentuhan talaga. ang dami niyang alam.. and dami niyang kwento! pero infairness, kahit tagapakinig lang ang ang role ko,kahit ginabi kami ng husto at pinapapak na ko ng lamok, hindi ako nagsawa. At ayun nga, nabanggit niya sakin nung gabing yon ang pagpapahalaga niya sa wika natin. Tinanong niya nga ako kung mahilig ba daw ako magbasa ng mga tula, kwento, etc. sabi ko "Opo." tinanong niya ko kung ingles o filipino... hindi ako nakasagot agad...

Kung siya daw kasi ang tatanungin mas gusto niya yung sariling atin. Bihira na daw ang nahihilig sa mga ganun kung kaya't iba ang pagpapahalaga na ibibinibigay niya sa literaryong pilipino. Oo nga naman, Pilipino tayo.. bakit ba mas tinatangkilik natin ang sa banyaga? Hindi naman masama, pero baka dumating ang araw na makalimot tayo at tuluyang mawala ang mga mga bagay na sumisimbolo sa ating pagkatao.

Natanong din niya ko kung nagsusulat din daw ako, sabi ko "Opo.. dati." Ayun nga, gusto daw niya mabasa ang mga gawa ko. kaso ayoko, nakakahiya. tingin ko kasi sa mga gawa ko eh "gawang bata".. pero malamang..bata pa naman tlga ko nung ginawa ko yung mga yun.haha at bukod dun, puro kasi yun ingles..
Napagisip-isip ko.."Bakit nga ba puro ingles ang gawa ko? Eh Pilipino ako...!"

Bago kami maghiwalay, may binigay siya saking isang kwaderno.. malinis pa.. walang sulat... bagong-bago.. at ang sabi niya, Gusto daw niya, ako ang unang dumumi nun.. nyay! parang ang pangit naman pakinggan.. haha hindi ko na matandaaan ung eksaktong sinabi nia.. (sabi ko nman sayo di ba, limitado ang capacity ng hardrive ko.. haha )pero you get my point naman di ba?? so ayun nga..

Nainspire ako ng gabi na yon.. sabi ko, "Magsusulat ako ulit. At sa pagkakataong ito, sariling wika natin ang gagamitin ko.."

Pero bakit nga ba hanggang ngayon ay wala pa kong naisusulat?

Nagbabasa ka ba tlga??
tulad nga ng sabi ko kanina, "NAKAKATAMAD!"
haha

at marahil ay masyado din akong maraming pinagkakaabalahan nung mga nakaraang araw.. (asus! palusot pa ko.. haha)

hindi tuloy maalis sa isip ko ang labis na panghihinayang...

isa kasi yun sa mga alaalang naimbak ko..
worthy isalaksak sa limitadong capacity ng hard drive ko..

masarap sariwain sa araw-araw...

at masarap balik-balikan...

kung sinipag lang siguro ako magsulat nung araw na yun.. eh di sana detalyado ko pa siyang naikwento sayo ngayon...

pero ayos lang din..

tulad nga ng sabi sakin ng isa sa mga malalapit kong kaibigan sa ngayon,

"hindi mo naman kailangan kabisaduhin, isapuso mo lang.."

nakakatuwa kasi eto, kahit hindi ko siya naisulat.. alam kong hindi ko malilimutan ang gabing yun at kaalinsabay non ay ang lahat ng natutunan ko..

kasi nga, hindi ko kinabisado... isinapuso ko :)

at eto, sa pamamagitan ng blogpost kong 'to.. nais kong ipagmalaki at ipagsigawan ang isa sa mga tumatak ng lubos sa puso ko noong gabi yon..

"Oo! Pilipino ako" :)

No comments: